
Show Notes
Single dad ka na… tapos Grade 4 pa yung kalaban mo. Sa episode na ’to ng Tatayhood, usapang survival mode kami nina Tristan at Ingo tungkol sa realidad ng pagpapalaki ng 9-year-old habang ikaw lang ang adult sa bahay. Ikaw ang provider, disciplinarian, tutor, taga-luto, taga-remind ng assignment, emotional support… at somehow, kasalanan mo pa rin bakit nawawala yung isang medyas. Funny siya minsan — dahil kung hindi ka tatawa, baka maiyak ka na lang. Pag-uusapan namin yung pressure ng solo parenting, yung pagod na bawal mong ipakita, yung guilt sa fast food at screen time, at yung lungkot na bihirang may magtanong kung okay ka pa ba. Kasama rin yung weird emotional phase ng mga batang Grade 4 — yung edad na nagsisimula na silang makahalata, magtanong, at minsan mas maintindihan ka kaysa gusto mong aminin. May kwentuhan tungkol sa: • pagiging “walang tag team” • discipline without becoming emotionally distant • dating as a single dad • yung fear na baka nagkakamali ka bilang magulang • at yung small victories na walang nakakakita… pero sobrang bigat sa puso kapag naranasan mo This episode is for the dads quietly doing everything alone. Yung mga pagod pero tuloy lang. Yung hindi perfect — pero present. Because at the end of the day… a child doesn’t always remember the perfect moments. They remember who stayed.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
More from Tatayhood
Awts may mga netizen na mahilig mag post ng number ng former hosts only to find out na wala na siya dun.
How do you stay calm when your kids know exactly which buttons to push? 😂 In this episode, we invited Tristan’s gym friend (yes, he has friends), Trevor Flaherty — principal, dad, CrossFitter and emotional parenting coach — to talk about keeping your cool, understanding your kids’ emotions, and why sometimes the parent needs to regulate first. Plus, we talk CrossFit, finding an outlet, and looking after yourself while trying to be a good dad. Because you can survive a CrossFit WOD… but your own kids can still break you
May oras ang mga tatay na parang tayo lang ang gising. Tahimik na ang bahay. Tulog na ang mga bata. Tapos na ang trabaho, hugasin, bills, hatid-sundo, at lahat ng responsibilidad para sa araw na ’yon. Ito ang Dad Hours. Sa episode na ito ng Tatayhood, pag-uusapan natin kung bakit maraming tatay ang nagpupuyat kahit pagod na pagod na—naglalaro, nanonood, nagso-scroll, nagkakape, nag-aayos ng kung anu-ano, o simpleng nakaupo lang sa katahimikan. Katamaran ba ito? Revenge bedtime procrastination? O ito lang talaga ang oras na pakiramdam natin ay atin? Pag-uusapan din natin ang guilt ng paglalaan ng oras para sa sarili, hobbies pagkatapos maging tatay, pagkawala ng “me time,” at kung bakit minsan, alas-dose ng gabi lang natin ulit nararamdaman na hindi lang tayo empleyado, asawa, provider, driver, taga-ayos ng gripo, at tatay. Because sometimes, Dad Hours isn't about staying up late. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kapag buong buhay mong inuna ang pamilya, selfish ba kung sarili mo naman? Sa Dear Papa na ito, pag-usapan natin ang kuwento ng isang panganay na OFW—mga pangarap na isinantabi, bigat ng pagiging breadwinner, at guilt ng pagsabi ng “hindi na muna.” Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.