
#190 - Mas Magaling Ba Tayong Tatay sa Tatay Natin? (Ang Bagong Sukatan ng Pagiging ‘Good Dad’)
TatayhoodShow Notes
Noon, simple lang ang sukatan ng isang "mabuting tatay": may trabaho ka, may pagkain sa mesa, at nakakapag-aral ang mga bata. Sapat na 'yun. Ngayon? Provider ka na, kailangan present ka pa. Best friend, emotional anchor, playmate, at dapat hindi mo rin ma-trauma ang anak mo. Sa episode na ito ng Tatayhood, tinitingnan natin ang malaking pagbabago sa "job description" ng pagiging ama—mula sa silent breadwinners noon hanggang sa super dads sa social media ngayon. Mas madali nga ba talaga noong panahon nila, o iba lang ang bigat ng dalahin? At higit sa lahat: mas magaling ba tayong tatay sa mga tatay natin, o mas anxious lang tayo dahil mas marami tayong alam?
Pag-usapan natin ang guilt, ang pressure, at kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging sapat na ama ngayon. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
More from Tatayhood
Awts may mga netizen na mahilig mag post ng number ng former hosts only to find out na wala na siya dun.
How do you stay calm when your kids know exactly which buttons to push? 😂 In this episode, we invited Tristan’s gym friend (yes, he has friends), Trevor Flaherty — principal, dad, CrossFitter and emotional parenting coach — to talk about keeping your cool, understanding your kids’ emotions, and why sometimes the parent needs to regulate first. Plus, we talk CrossFit, finding an outlet, and looking after yourself while trying to be a good dad. Because you can survive a CrossFit WOD… but your own kids can still break you
May oras ang mga tatay na parang tayo lang ang gising. Tahimik na ang bahay. Tulog na ang mga bata. Tapos na ang trabaho, hugasin, bills, hatid-sundo, at lahat ng responsibilidad para sa araw na ’yon. Ito ang Dad Hours. Sa episode na ito ng Tatayhood, pag-uusapan natin kung bakit maraming tatay ang nagpupuyat kahit pagod na pagod na—naglalaro, nanonood, nagso-scroll, nagkakape, nag-aayos ng kung anu-ano, o simpleng nakaupo lang sa katahimikan. Katamaran ba ito? Revenge bedtime procrastination? O ito lang talaga ang oras na pakiramdam natin ay atin? Pag-uusapan din natin ang guilt ng paglalaan ng oras para sa sarili, hobbies pagkatapos maging tatay, pagkawala ng “me time,” at kung bakit minsan, alas-dose ng gabi lang natin ulit nararamdaman na hindi lang tayo empleyado, asawa, provider, driver, taga-ayos ng gripo, at tatay. Because sometimes, Dad Hours isn't about staying up late. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kapag buong buhay mong inuna ang pamilya, selfish ba kung sarili mo naman? Sa Dear Papa na ito, pag-usapan natin ang kuwento ng isang panganay na OFW—mga pangarap na isinantabi, bigat ng pagiging breadwinner, at guilt ng pagsabi ng “hindi na muna.” Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.