
Show Notes
Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging “tatay”? Sa episode na ito, pag-uusapan natin ang isang topic na hindi madalas nabibigyan ng space sa typical dad conversations — ang pagiging gay at pagiging ama. Paano mo ipapaliwanag sa anak mo kung sino ka? Kailangan ba talagang mag-fit sa “traditional image” ng tatay? At higit sa lahat — ano ba talaga ang mahalaga sa pagpapalaki ng anak? Kasama sina Tristan at Ingo, uusisain natin: Ang pressure ng society sa “ideal father figure” Paano nagiging role model ang isang tatay, regardless of orientation Mga real struggles: judgment, identity, at pagpapalaki ng anak sa modern world At syempre, paano mo ipaparamdam sa anak mo na buo ang pamilya ninyo—kahit iba sa nakasanayan
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
More from Tatayhood
Awts may mga netizen na mahilig mag post ng number ng former hosts only to find out na wala na siya dun.
How do you stay calm when your kids know exactly which buttons to push? 😂 In this episode, we invited Tristan’s gym friend (yes, he has friends), Trevor Flaherty — principal, dad, CrossFitter and emotional parenting coach — to talk about keeping your cool, understanding your kids’ emotions, and why sometimes the parent needs to regulate first. Plus, we talk CrossFit, finding an outlet, and looking after yourself while trying to be a good dad. Because you can survive a CrossFit WOD… but your own kids can still break you
May oras ang mga tatay na parang tayo lang ang gising. Tahimik na ang bahay. Tulog na ang mga bata. Tapos na ang trabaho, hugasin, bills, hatid-sundo, at lahat ng responsibilidad para sa araw na ’yon. Ito ang Dad Hours. Sa episode na ito ng Tatayhood, pag-uusapan natin kung bakit maraming tatay ang nagpupuyat kahit pagod na pagod na—naglalaro, nanonood, nagso-scroll, nagkakape, nag-aayos ng kung anu-ano, o simpleng nakaupo lang sa katahimikan. Katamaran ba ito? Revenge bedtime procrastination? O ito lang talaga ang oras na pakiramdam natin ay atin? Pag-uusapan din natin ang guilt ng paglalaan ng oras para sa sarili, hobbies pagkatapos maging tatay, pagkawala ng “me time,” at kung bakit minsan, alas-dose ng gabi lang natin ulit nararamdaman na hindi lang tayo empleyado, asawa, provider, driver, taga-ayos ng gripo, at tatay. Because sometimes, Dad Hours isn't about staying up late. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kapag buong buhay mong inuna ang pamilya, selfish ba kung sarili mo naman? Sa Dear Papa na ito, pag-usapan natin ang kuwento ng isang panganay na OFW—mga pangarap na isinantabi, bigat ng pagiging breadwinner, at guilt ng pagsabi ng “hindi na muna.” Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.