
Show Notes
May mga tanong na tahimik lang nating kinikimkim. Mga tanong na hindi natin sinasabi nang malakas dahil parang malas. Parang masakit isipin. Pero kung ikaw ay may taong umaasa sa'yo araw-araw, malamang minsan mo na rin itong naitanong sa sarili mo: "Paano kung dumating ang araw na hindi ko na sila kayang alagaan?" Inspired by the moving book Goodbye, Peter Pan ni Jeon Gyeong-cheol, pag-uusapan natin ang isang takot na hindi lang nararanasan ng mga magulang ng batang may autism. Takot din ito ng anak na nag-aalaga sa tumatandang magulang, ng kapatid na umaalalay sa kapatid na may kapansanan, ng asawang araw-araw na kasama ang partner na may malalang sakit, at ng sinumang naging pangunahing sandigan ng isang taong mahal nila. Sa episode na ito, pag-uusapan natin ang mga bigat na madalas hindi nakikita ng iba—ang pagod, guilt, burnout, at pakiramdam na parang bawal kang mapagod dahil may umaasa sa'yo. Pero higit sa lahat, pag-uusapan natin kung paano natin maipapakita ang pagmamahal nang hindi natin kailangang buhatin ang buong mundo mag-isa. Bakit mahalagang humingi ng tulong? Paano tayo makakapaghanda para sa kinabukasan nang hindi pakiramdam ay sumusuko na tayo? At paano natin aalagaan ang sarili habang patuloy nating inaalagaan ang iba? Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lang nasusukat sa dami ng sakripisyong kaya nating ibigay ngayon. Nasusukat din ito sa paghahandang ginagawa natin upang manatiling ligtas at maayos ang buhay ng mga mahal natin—kahit dumating ang araw na wala na tayo o hindi na natin kaya. Kung ikaw ay isang tatay, anak, asawa, kapatid, o sinumang caregiver, ang episode na ito ay para sa'yo. Sana, pagkatapos mong makinig, hindi lang gumaan nang kaunti ang bigat na dala mo—kundi magkaroon ka rin ng lakas ng loob na alagaan ang sarili mo, humingi ng tulong, at magsimulang magplano para sa mga taong pinakamahalaga sa buhay mo. Dahil minsan, ang pinakamagandang paraan ng pag-aalaga ay ang paghahandang hindi na sana nila kailangang harapin ang buhay nang mag-isa.
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
More from Tatayhood
Awts may mga netizen na mahilig mag post ng number ng former hosts only to find out na wala na siya dun.
How do you stay calm when your kids know exactly which buttons to push? 😂 In this episode, we invited Tristan’s gym friend (yes, he has friends), Trevor Flaherty — principal, dad, CrossFitter and emotional parenting coach — to talk about keeping your cool, understanding your kids’ emotions, and why sometimes the parent needs to regulate first. Plus, we talk CrossFit, finding an outlet, and looking after yourself while trying to be a good dad. Because you can survive a CrossFit WOD… but your own kids can still break you
May oras ang mga tatay na parang tayo lang ang gising. Tahimik na ang bahay. Tulog na ang mga bata. Tapos na ang trabaho, hugasin, bills, hatid-sundo, at lahat ng responsibilidad para sa araw na ’yon. Ito ang Dad Hours. Sa episode na ito ng Tatayhood, pag-uusapan natin kung bakit maraming tatay ang nagpupuyat kahit pagod na pagod na—naglalaro, nanonood, nagso-scroll, nagkakape, nag-aayos ng kung anu-ano, o simpleng nakaupo lang sa katahimikan. Katamaran ba ito? Revenge bedtime procrastination? O ito lang talaga ang oras na pakiramdam natin ay atin? Pag-uusapan din natin ang guilt ng paglalaan ng oras para sa sarili, hobbies pagkatapos maging tatay, pagkawala ng “me time,” at kung bakit minsan, alas-dose ng gabi lang natin ulit nararamdaman na hindi lang tayo empleyado, asawa, provider, driver, taga-ayos ng gripo, at tatay. Because sometimes, Dad Hours isn't about staying up late. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kapag buong buhay mong inuna ang pamilya, selfish ba kung sarili mo naman? Sa Dear Papa na ito, pag-usapan natin ang kuwento ng isang panganay na OFW—mga pangarap na isinantabi, bigat ng pagiging breadwinner, at guilt ng pagsabi ng “hindi na muna.” Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.