
Show Notes
Sa episode na ’to ng Tatayhood, usapang totga, ego, loyalty, at temptation pagkatapos mong magtagumpay. Isang sulat mula sa isang tatay na iniwan noon dahil wala pa siyang pera, walang sasakyan, at puro pangarap lang ang hawak. Pero matapos ang ilang taon — may negosyo na, may bahay, may kotse, at walong branches na ng negosyo — biglang bumalik ang ex na dating nang-iwan sa kanya. At doon nagsimula ang gulo. Nag-chat. Nagkumustahan. Nag-VC. Umiyak ang ex. At bumalik lahat ng nararamdaman niya. Pero ang pinakamabigat na tanong: Paano mo iiwan yung babaeng naniwala sa’yo nung wala ka pa? Yung kasama mo sa gutom. Yung kasama mo sa unang sabon station. Yung hindi ka pinamukhang pabigat kahit siya bumubuhay sa inyo noon. Sa episode na ito, sina Tristan at Ingo pag-uusapan: • Totoo bang nagsisisi ang ex — o nanghihinayang lang? • Bakit sobrang delikado ng validation galing sa taong dating nangmaliit sa’yo • Difference ng “totga” vs ego • Bakit maraming lalaki ang nahuhulog ulit kapag successful na sila • At bakit minsan… hindi love ang gusto mo maramdaman — panalo Funny, brutal, at painfully honest ang usapan — may halong networking jokes, real relationship truths, at mga linyang diretso sa ego ng mga lalaki. “‘Yung kibot ng puso mo nung nakita mo siya — okay lang ’yun. Human ka. Pero ’yung pipiliin mo pagkatapos — doon ang lalaki mo.”
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
More from Tatayhood
Awts may mga netizen na mahilig mag post ng number ng former hosts only to find out na wala na siya dun.
How do you stay calm when your kids know exactly which buttons to push? 😂 In this episode, we invited Tristan’s gym friend (yes, he has friends), Trevor Flaherty — principal, dad, CrossFitter and emotional parenting coach — to talk about keeping your cool, understanding your kids’ emotions, and why sometimes the parent needs to regulate first. Plus, we talk CrossFit, finding an outlet, and looking after yourself while trying to be a good dad. Because you can survive a CrossFit WOD… but your own kids can still break you
May oras ang mga tatay na parang tayo lang ang gising. Tahimik na ang bahay. Tulog na ang mga bata. Tapos na ang trabaho, hugasin, bills, hatid-sundo, at lahat ng responsibilidad para sa araw na ’yon. Ito ang Dad Hours. Sa episode na ito ng Tatayhood, pag-uusapan natin kung bakit maraming tatay ang nagpupuyat kahit pagod na pagod na—naglalaro, nanonood, nagso-scroll, nagkakape, nag-aayos ng kung anu-ano, o simpleng nakaupo lang sa katahimikan. Katamaran ba ito? Revenge bedtime procrastination? O ito lang talaga ang oras na pakiramdam natin ay atin? Pag-uusapan din natin ang guilt ng paglalaan ng oras para sa sarili, hobbies pagkatapos maging tatay, pagkawala ng “me time,” at kung bakit minsan, alas-dose ng gabi lang natin ulit nararamdaman na hindi lang tayo empleyado, asawa, provider, driver, taga-ayos ng gripo, at tatay. Because sometimes, Dad Hours isn't about staying up late. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kapag buong buhay mong inuna ang pamilya, selfish ba kung sarili mo naman? Sa Dear Papa na ito, pag-usapan natin ang kuwento ng isang panganay na OFW—mga pangarap na isinantabi, bigat ng pagiging breadwinner, at guilt ng pagsabi ng “hindi na muna.” Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.