Tatayhood

#171 - Dalawang Reyna, Isang Hari—Sino ang Masusunod? Sapakan na!

Tatayhood

Show Notes

Hindi lahat ng away mag-asawa tungkol sa ugali, pera, o selos. Minsan, may invisible third party—at hindi ito kabit… kundi magulang. Sa episode na ’to, sina Ingo at Tristan, walang preno sa paghimay ng isa sa pinaka-sensitive na usapin sa marriage: hanggang saan ang respeto sa magulang, at saan nagsisimula ang boundaries bilang asawa? Usapang walang plastik: ✔️ Kailan nagiging “Mama’s Boy” ang isang lalaki ✔️ Bakit hindi sapat ang love kung wala kang paninindigan ✔️ Obedience vs respect—ano ba talaga ang gusto mo sa partner mo? ✔️ At ang pinaka-real talk: handa ka na ba maging haligi ng sarili mong pamilya… o naka-anchor ka pa rin sa dati? Hindi ito laban ng babae at lalaki. Hindi rin ito laban ng asawa at magulang. 👉 Laban ito ng maturity vs pagiging dependent. Kung tatay ka—o magiging tatay pa lang—critical ’tong episode na ’to. Dahil sa huli, ang tanong: Kaya mo bang piliin ang pamilyang binuo mo… kahit hindi sang-ayon ang pamilyang pinanggalingan mo? 🎙️ Tatayhood—walang expert, walang manual… PURO ACTUAL.

Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

More from Tatayhood

Oct 17, 2026

Awts may mga netizen na mahilig mag post ng number ng former hosts only to find out na wala na siya dun.

Oct 4, 2026

How do you stay calm when your kids know exactly which buttons to push? 😂 In this episode, we invited Tristan’s gym friend (yes, he has friends), Trevor Flaherty — principal, dad, CrossFitter and emotional parenting coach — to talk about keeping your cool, understanding your kids’ emotions, and why sometimes the parent needs to regulate first. Plus, we talk CrossFit, finding an outlet, and looking after yourself while trying to be a good dad. Because you can survive a CrossFit WOD… but your own kids can still break you

Sep 30, 2026

May oras ang mga tatay na parang tayo lang ang gising. Tahimik na ang bahay. Tulog na ang mga bata. Tapos na ang trabaho, hugasin, bills, hatid-sundo, at lahat ng responsibilidad para sa araw na ’yon. Ito ang Dad Hours. Sa episode na ito ng Tatayhood, pag-uusapan natin kung bakit maraming tatay ang nagpupuyat kahit pagod na pagod na—naglalaro, nanonood, nagso-scroll, nagkakape, nag-aayos ng kung anu-ano, o simpleng nakaupo lang sa katahimikan. Katamaran ba ito? Revenge bedtime procrastination? O ito lang talaga ang oras na pakiramdam natin ay atin? Pag-uusapan din natin ang guilt ng paglalaan ng oras para sa sarili, hobbies pagkatapos maging tatay, pagkawala ng “me time,” at kung bakit minsan, alas-dose ng gabi lang natin ulit nararamdaman na hindi lang tayo empleyado, asawa, provider, driver, taga-ayos ng gripo, at tatay. Because sometimes, Dad Hours isn't about staying up late. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Sep 19, 2026

Kapag buong buhay mong inuna ang pamilya, selfish ba kung sarili mo naman? Sa Dear Papa na ito, pag-usapan natin ang kuwento ng isang panganay na OFW—mga pangarap na isinantabi, bigat ng pagiging breadwinner, at guilt ng pagsabi ng “hindi na muna.” Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

See all episodes →