Tatayhood

#154 - Mga Problema ng Adulthood na Walang Nagsabi Sa’tin

Tatayhood

Show Notes

Sa episode na ‘to, sina Tristan at Ingo ay sumabak sa walang katapusang laban ng pagiging totoong adulto—yung mga bagay na hindi tinuro sa eskwelahan at hindi rin sinabi ng mga nakakatanda dahil baka umatras tayo. Usapang bills na parang ex—ayaw tumigil sa pangugulo. Usapang anxieties na hindi na lang tungkol sa crush—kundi sa future ng buong pamilya. Usapang success na hindi pala express delivery—kundi backorder minsan ng isang dekada. Usapang loneliness, kahit may asawa at anak ka na—dahil may bigat na for-Tatay-only. At syempre, yung pagiging project manager ng lahat—sa bahay, sa budget, sa buhay. Pag-uusapan din nila kung paano habang umaasenso ka bilang tatay, may mga taong hindi na makasabay sa bago mong priorities. At kahit basag ka na, hindi hihinto ang laban. Walang time-out. Walang referee. Pero ikaw pa rin ang lalaban—dahil may umaasa sa’yo. At ang pinaka-masakit pero totoo: isang income? Hindi na sapat. Kaya lahat ng Tatay ngayon may side quest: raket dito, overtime doon, kahit content creation pa! Lahat para sa pamilya. Pero sa dulo ng episode, may pag-asa: Kung feeling mo stuck ka ngayon, baka nasa turning point ka na pala. Pwede mong baguhin ang ikot ng buhay—hindi madali, pero hindi imposible.

Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

More from Tatayhood

Oct 17, 2026

Awts may mga netizen na mahilig mag post ng number ng former hosts only to find out na wala na siya dun.

Oct 4, 2026

How do you stay calm when your kids know exactly which buttons to push? 😂 In this episode, we invited Tristan’s gym friend (yes, he has friends), Trevor Flaherty — principal, dad, CrossFitter and emotional parenting coach — to talk about keeping your cool, understanding your kids’ emotions, and why sometimes the parent needs to regulate first. Plus, we talk CrossFit, finding an outlet, and looking after yourself while trying to be a good dad. Because you can survive a CrossFit WOD… but your own kids can still break you

Sep 30, 2026

May oras ang mga tatay na parang tayo lang ang gising. Tahimik na ang bahay. Tulog na ang mga bata. Tapos na ang trabaho, hugasin, bills, hatid-sundo, at lahat ng responsibilidad para sa araw na ’yon. Ito ang Dad Hours. Sa episode na ito ng Tatayhood, pag-uusapan natin kung bakit maraming tatay ang nagpupuyat kahit pagod na pagod na—naglalaro, nanonood, nagso-scroll, nagkakape, nag-aayos ng kung anu-ano, o simpleng nakaupo lang sa katahimikan. Katamaran ba ito? Revenge bedtime procrastination? O ito lang talaga ang oras na pakiramdam natin ay atin? Pag-uusapan din natin ang guilt ng paglalaan ng oras para sa sarili, hobbies pagkatapos maging tatay, pagkawala ng “me time,” at kung bakit minsan, alas-dose ng gabi lang natin ulit nararamdaman na hindi lang tayo empleyado, asawa, provider, driver, taga-ayos ng gripo, at tatay. Because sometimes, Dad Hours isn't about staying up late. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Sep 19, 2026

Kapag buong buhay mong inuna ang pamilya, selfish ba kung sarili mo naman? Sa Dear Papa na ito, pag-usapan natin ang kuwento ng isang panganay na OFW—mga pangarap na isinantabi, bigat ng pagiging breadwinner, at guilt ng pagsabi ng “hindi na muna.” Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

See all episodes →