Raqi’s Secret Files

Sa sobrang excitement, ibang AFAm ang nayakap ko

Raqi’s Secret Files

Show Notes

Halos anim na buwan nang magkasintahan ang letter sender at ang kanyang foreigner boyfriend, pero online at video call lang sila nagkakakilala. Kaya naman sobra ang excitement niya nang sa wakas ay dumating na ito sa Pilipinas. Sa sobrang sabik niyang mayakap ang nobyo, napayakap pa siya sa maling foreigner sa airport! Pero ang pinakahindi niya malilimutan ay ang tunay na pagkikita nila ng AFAM—na may nakakagulat na pagbabago sa itsura. Ngayon, hindi lang bakasyon sa Pilipinas ang kanilang pagsasamahan, dahil susunod na rin siya sa bansa nito para sa panibagong kabanata ng kanilang love story. Ito ang secret file ni Karen.

More from Raqi’s Secret Files

Oct 22, 2026

"Arab man si Mr. A. Mahigpit dito sa Middle East, kaya 'di talaga kami p'wede. Pero kapag umibig ka minsan, madadala ka talaga ng damdamin mo. Sa tindi ng pananabik namin sa isa't-isa, may mga pagkakataong may ginagawa kami sa loob ng sasakyan niya. Naulit ito nang ilang beses."

Oct 21, 2026

"Sinabi niya na kung totoong mahal ko siya mag-send daw ako ng sexy pictures. Nag-send ako dahil mahal ko naman.." Ibinahagi ng letter sender ang karanasan niya sa kaniyang toxic boyfriend. Ang mga litratong para sa mata lang ng taong mahal niya ay ginagamit ngayon pang-blackmail sa kaniya. Ito ang secret file ni Mia.

Oct 20, 2026

"Alam kong mali kasi meron akong jowa, pero hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa nung babaeng 'yun. Ayun, nabuntis siya."

Oct 19, 2026

"Okay lang kahit masakit. Okay lang kahit kaibigan lang ang pwesto ko sa buhay niya. Basta ako ang nagiging sandalan niya." Ibinahagi ng letter sender na may mga tao sa buhay natin na hinding-hindi natin kayang iwasan. Ang isang babae ito para sa kaniya. Kahit kasal at pamilyado na ito, 'di niya mapigilan na ialay lahat ng kaniyang oras para rito. "Best friends" lang sana, pero 'di alam ni Lorraine, may malisya na ang lahat para sa kaniya. Ito ang secret file ni Gabby.

Oct 18, 2026

Dahil sa dami ng trabaho sa paaralan, madalas mag-overtime ang letter sender at nakakalimutang kumain. Isang gabi, dahil sa sobrang gutom, lumabas siya para maghanap ng mabibilhan ng pagkain. Pero sa halip na makabili agad, napahamak pa siya—nakatapak ng ebak, nadapa sa butas, at muntik pang mabangga ng motor! Sa sobrang dumi at gulo ng kanyang itsura, pati tindera at security guard ay natakot sa kanya. Mula noon, natuto na siyang huwag abusuhin ang katawan at laging magbaon ng pagkain. Dahil sa paghahanap ng pantawid-gutom, muntik pa siyang mapagkamalang multo! Ito ang secret file ni Laura.

See all episodes →