Tatayhood

#158 - Hindi na ako ang Paborito: Mom vs Dad sa mata ng bata

Tatayhood

Show Notes

Bakit biglang si Mommy na lang ang gusto ng anak mo? Bakit si Daddy, parang extra na lang? Sa episode na ito ng Tatayhood, pag-uusapan namin ang masakit pero totoong tanong ng maraming tatay: “Hindi na ba ako paborito?” Real talk kami tungkol sa: Bakit may “favorite parent” ang mga bata

Ano ang ibig sabihin nito sa emotional development nila

Paano dapat mag-react si Daddy (nang hindi nagtatampo)

At paano ito gawing mas healthy para sa buong pamilya

Kung nakaranas ka na ng moment na mas pinipili ng anak mo si Mommy — this episode is for you, Papa. Hindi ka nag-iisa. At hindi ka kulang. 🎧 Pakinggan na at maki-real talk sa Tatayhood. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

More from Tatayhood

Oct 17, 2026

Awts may mga netizen na mahilig mag post ng number ng former hosts only to find out na wala na siya dun.

Oct 4, 2026

How do you stay calm when your kids know exactly which buttons to push? 😂 In this episode, we invited Tristan’s gym friend (yes, he has friends), Trevor Flaherty — principal, dad, CrossFitter and emotional parenting coach — to talk about keeping your cool, understanding your kids’ emotions, and why sometimes the parent needs to regulate first. Plus, we talk CrossFit, finding an outlet, and looking after yourself while trying to be a good dad. Because you can survive a CrossFit WOD… but your own kids can still break you

Sep 30, 2026

May oras ang mga tatay na parang tayo lang ang gising. Tahimik na ang bahay. Tulog na ang mga bata. Tapos na ang trabaho, hugasin, bills, hatid-sundo, at lahat ng responsibilidad para sa araw na ’yon. Ito ang Dad Hours. Sa episode na ito ng Tatayhood, pag-uusapan natin kung bakit maraming tatay ang nagpupuyat kahit pagod na pagod na—naglalaro, nanonood, nagso-scroll, nagkakape, nag-aayos ng kung anu-ano, o simpleng nakaupo lang sa katahimikan. Katamaran ba ito? Revenge bedtime procrastination? O ito lang talaga ang oras na pakiramdam natin ay atin? Pag-uusapan din natin ang guilt ng paglalaan ng oras para sa sarili, hobbies pagkatapos maging tatay, pagkawala ng “me time,” at kung bakit minsan, alas-dose ng gabi lang natin ulit nararamdaman na hindi lang tayo empleyado, asawa, provider, driver, taga-ayos ng gripo, at tatay. Because sometimes, Dad Hours isn't about staying up late. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Sep 19, 2026

Kapag buong buhay mong inuna ang pamilya, selfish ba kung sarili mo naman? Sa Dear Papa na ito, pag-usapan natin ang kuwento ng isang panganay na OFW—mga pangarap na isinantabi, bigat ng pagiging breadwinner, at guilt ng pagsabi ng “hindi na muna.” Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

See all episodes →